Yellow Birdie's Nest

Yellow Birdie's Nest

Monday, July 6, 2015

Ang Umuugang Lamesa



Sa isa sa mga tanggapan ng gobyernong pilipino sa Italya, may isang lamesa na lumang-luma na...



 Ginagamit pa, oo, pero umuuga na at parang isang anay na lang ang hindi kumakagat kasi tila magigiba talaga kapag nasagi nang kaunti.


Ang lamesang ito ay matatagpuan sa opisina ng kalihim (secretary) ng isang mataas na opisyal ng gobyernong pilipino sa Italya. 

Hindi ito ang mismong lamesa ng kalihim, bagkus ay isang extra na lamesa kung saan nakapatong ang computer na ginagamit sa pag-gawa ng mga ipi-print na mahahalagang dokumento ng gobyerno. 
Parang production area ba?


Nasa isang sulok lang, hindi kalakihan at hindi rin naman kagandahan, pero gayunpaman, maraming nag-aambisyon na mapa-pwesto dito. 

Ng pormal. 

At permanente. 



Ito ay dahil sa sinisimbolo ng nasabing lamesa:


1) Kapangyarihan 
(power trip bagamat limitado)


2) Pormal na pagkilala 
(ng mga kapwa pilipino na siyempre bibilib at hahanga sa nakapwesto)


3) Inaakalang mataas na sahod 
(Asa pa more!)


4) Iba pang hidden personal agenda (aminin!)


May mga inaway (at patuloy na inaaway) para sa tsansa na pormal na makamit ang umuugang lamesa, bilang totoong staff ng nasabing tanggapan at hindi simpleng volunteer lang na pa-epal-epal. 

May ala-Caesar at Brutus din na tagaan ng patalikod. 



Sisiraan ka hanggang sa parang hindi ka na qualified.

Nakangiti sa'yo pag kaharap mo, pero pagtalikod mo, halos mabilaukan sa paninira o pamimintas sa'yo.

At siyempre hindi mawawala ang walang kamatayang "crab mentality" ng mga pilipino. 

Di bale nang manatiling bakante ang lamesa, huwag lang masapawan ng iba sa posisyon na palagay niya ay nararapat at para lamang sa kanya.



Dito ko napatunayan na hindi lahat ng bully ay nasa eskwelahan. Karamihan sa kanila, naka-graduate lang sa school, pero hindi pasado kung maturity ang pag-uusapan.


Oo, kasi lahat ng mga pangit at kahiya-hiyang bagay na nakasulat sa itaas ay ginawa at patuloy na ginagawa, para lamang sa isang umuugang lamesa.


Samantalang kung iisiping mabuti, ang nasabing umuugang lamesa na ito ay isang napaka-delikadong posisyon, at hindi lang dahil sa tila malapit na itong bumigay, kundi dahil sinuman ang mapaupo dito ay tiyak na mararamdaman na para siyang dinadasalan ni Nanay Dionisia habang nakasalang sa boxing si Pacquiao.



Hanggang ngayon,  marami pa rin ang nagnanais na mapasakanya ang “karapatan” na pumosisyon dito bilang formal staff at hindi saling-pusa lang.


Hanggang ngayon, isa pa rin itong temporary working area (minsan tambayan) ng mga volunteers na tumutulong sa mabait ngunit super-stressed na sekretarya ng nasabing mataas na opisyal ng gobyerno.


Hanggang ngayon, bakante pa rin ang umuugang lamesa.


Sabagay, siguro nga, ayos na rin na bakante ang posisyon.


Kung nagkataon kasi, mayroon na namang isang walang kamuwang-muwang at kaawa-awang nilalang na pagtutulung-tulungang hilahin pababa ng mga talangka ng Filipino community.

 

Kapag nagkataon, baka tuluyan nang magiba ang umuugang lamesa...


Sayang, mukhang antigo pa naman.... 
Pang-museum na nga yata.


 #sirangLamesa

1 comment:

  1. Lantaran na ang mukha mo dito, at kung sino man ang makakabasang taga Florence, ay nako, lagot ka! Hahaha! Balat sibuyas pa man din ang mga buwayang iyon. hahaha! Pero grabe no? Wala namang political power yan eh pero pagkakaguluhan nila. Mga frustrated politicians kasi. Frustrated trapo, i should say.

    Sabagay ganon din naman ako, pero over the years na realize ko din na ano nga ba ang worth niyan sa akin?

    I admire you kasi you do have a genuine concern for the hopeless community. Pero itong mga ito, epalness talaga. I know because I was one of them. Take note, yung isa diyan nag attempt pumasok sa pulitika sa Pilipinas ang dalang track record eh yung mga kabalastugan na ginagawa dito. Marami din sa mga yan ay mga trying hard na kaibiganin ang mga taga DFA.

    Ay nako mga choserang froglet sila!

    ReplyDelete